tartar sauce (tár•tar sos) : sawsawang gawâ sa mayonesang may halòng tinadtad na atsara, oliba, sibuyas, at iba pa.
worcestershire sauce (wús•ter•syír sos) : sarsa na gawâ sa toyo, sukà, at mga pampalasa, at unang ginawâ sa Worcester, England
vinaigrette sauce (vín•e•grét sos) : salsa ng ensalada na gawâ sa langis, sukà na mula sa umasim na alak, at mga pampalasa